Wag na kasi kayong magpataasan ng pride.

umaasaparin:

Tingnan mo, hirap na hirap ka na diyan sa kakaisip sa kanya at hirap na hirap ka na ding pigilan ang sarili mong kausapin siya. Tandaan mo, hindi nakakamatay ang pagkausap o pagtext o pagtawag sa taong mahal mo.

Kaya sige na, Kausapin mo na. Pareho lang din naman kayong di mapalagay sa kakaisip sa isa’t isa eh.

Sa totoo lang,

umaasaparin:

Hindi ako naniniwala sa excuse na kailangan niyo munang maghiwalay para makapag concentrate siya sa studies niya.

kasi kung ako yung tatanungin, dahil sa kanya mas lalo akong ginaganahan mag-aral, minsan nalang ako mag-absent at ma-late dahil alam kong hindi niya yun magugustuhan at nagagalit siya pag tinatamad ako mag-aral o pumasok sa school. Masaya mag-aral lalo na kung may inspirasyon.

“…kasi mahal kita.”

Kaya nating magpakatanga sa isang tao, magbubulag-bulagan,kayang ibigay ang lahat at kung ano ano pa. Tipong sobra ka nang tanga sa paningin ng tao sa paligid mo sa larangan ng pag-ibig. Alam mong niloloko ka na pero nagagawa mo padin siyang patawarin dahil sa dahilan mo na hindi naiintindihan ng mga tao sa paligid mo. ‘Yung taong ‘yun ay ‘yung taong mahal mo. Ang taong bababaan mo ng pride mo dahil mas importante siya kaysa sa pride mong ‘yan.

Psychic: Paano ka namatay?
Kaluluwa: Nasagasaan kasi ako noong may sinasalba ako.
Psychic: Bakit? 
Kaluluwa: Ayaw ko kasing masaktan ‘yung minamahal ko.
Psychic: Mahal na mahal mo siya. Sinakripisyo mo ang buhay mo para sa kanya. Siguro malungkot siya ngayon dahil wala ka na?
Kaluluwa: Hindi. Masaya siya dahil ‘yung taong sinalba ko ay ‘yung taong mahal niya. 

Oras ang pinakamgandang ibigay o isakripisyo sa taong mahal mo dahil ito ‘yung klase na ‘di mo na pwedeng bawiin. ‘Di lang oras. As in, oras mo mismo. Oras at effort dahil sa minsan, kulang ang sabihing mahal mo siya dahil kahit sino, pwedeng magsabi nun pero ‘di lahat, kayang patunayan ‘yun. Sabi nga nila, kapag maga-I love you ka, samahan mo ng effort kaya dapat, “I love you effort.”.

Kung mahal mo talaga ang isang tao, sabihin mo na agad bago mahuli ang lahat. At kung sasabihin mo lang din na mahal mo ang isang tao, sabihin mo ng diretso. Hindi ka naman kalsada para magpasikot-sikot pa. Mas okay nang magsisi sa mga bagay na nagawa mo kaysa sa mga bagay na ‘di mo nagawa.